Ika-18 ng hunyo, umpisa na naman ng pasukan, subalit ito'y kaiba sa sampung taong pamamalagi ko paaralan.
Natapos ko na ang Elementarya at sekondarya, kailangan ng umpisahan ang pagiging kolehiyala. Patapos na ang unang semestre na puno ng pagsubok, sa kabilang dako, marami akong natutunan, tulad halimbawa, sa paggawa ng proyekto, pakikisali sa mga aktibidades at higit sa lahat sa aking damdamin.
Sa mundong ito lahat pinag-aaralan, mapa-akademiko o hindi man, ngunit aking napagsasabay ang dalawang yan, tignan niyo at basahin aking ginawang daniw(tula)
5442(Mahal kita Irog ko)
Ilang beses kong sinubukan,
Ang limutin ka ng tuluyan,
Subalit puso ay lumaban,
Upang masagot mga katanungan.
Sinimulan ko sa ALGEBRA
Ipinagpatuloy sa SIBIKA
Bumuklat ng ENCYCLOPEDIA
Wala at walang pagiiba
Ilang beses muli akong nagisip,
Kung bakit kasaguta'y hindi makamit,
Pagkat sa pangyayaring masasakit,
Sa puso'y nagpapasikip.
Sinubukan ko sa MONOMIAL
Ipinagpatuloy sa BINOMIAL
Gumamit ng TRINOMIAL
Naglabasan mga POLYNOMIAL
Sinubukang muli sa MANAGEMENT
Sumangguni na sa COMPUTER
At inilahad na ng MATHEMATHICS
Nahagip na ng ENGLISH
At nasalin na sa FILIPINO
At sa wakas!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!nakuha ko,
5442 lang pala ibig sabihin,(mahal kita IROG ko)
Monday, October 1, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment